About my Blog

But I must explain to you how all this mistaken idea of denouncing pleasure and praising pain was born and I will give you a complete account of the system, and expound the actual teachings of the great explorer of the truth, the master-builder of human happiness. No one rejects, dislikes, or avoids pleasure itself, because it is pleasure, but because those who do not know how to pursue pleasure rationally encounter consequences that are extremely painful. Nor again is there anyone who loves or pursues or desires to obtain pain

Friday, August 01, 2008

Bata, Bata Paano Ka Ginawa?


Baket nga ba na karamihan ng matatanda nahuhumaling sa mga bata?

Madami-dami na din akong kaibigan ang nakikipagrelasyon sa bata. Dahil ba mas maalaga? Mas malambing? Mas inosente? Kung iisipin mong mabuti, nung kabataan mo ba ganon ka? Mas maalaga, malambing at inosente?

At bakit sa iyong pagtanda biglang nagbago ang lahat. Ito ba ay dahil sa karanasan mo nung ikaw ay namumulat pa lang sa alindog ng ka-munduhan? Ano nga ba ang dahilan kung bakit mas masarap magmahal ang bata?

-0-

Ayaw ko ng bata. Para sa akin sakit lamang ito sa ulo. Maigi pa na kumuha ka ng bato at ipukol na lamang sa iyong ulo. Ika nga nila, immature daw ang mga bata. Mahirap alagaan at pakibagayan. Iba kayo lagi ng trip sa buhay. Kung ikaw, mahilig lang mamalagi sa bahay at masaya na na nagbabasa ng libro habang pinapatugtog ang Jazz Classics cd na binili mo nung isang linggo, ang mga bata naman mas gustong nagkakape sa Trinoma or di kaya nagiinuman sa Malate. Ma-gimmik, yan ang buhay ng bata. Parang lahat gustong tikaman at maranasan. Oo, sige na, hindi lahat ng bata ganito ang trip sa buhay. May mga iba na mahilig din tumambay sa bahay at magbasa na lang ng libro. Pero ilan ang kilala mo na ganito?

Bago ang lahat, ilang taon ba ang bata para sa inyo? Sampu pababa, bente pataas hanggang trenta? Para sa mga asa mid-20s, matanda na daw sila. Pero para sa early-30s bata din daw sila kumpara sa mga 40s, 50s, 60s, 90s... So, ano ba talaga? At dahil nabibilang ako sa mga mid-20s, para sa akin lahat ng mas bata sa edad ko, BATA. Kahit alam kong bata pa din naman ako.

Ang gulo. Parang turumpo.

Marami na din naman akong naranasan sa buhay ko para sabihin kong medyo matanda na ako. Medyo lang. Kung kaibigan kita at alam mo ang buhay ko, mag-a-agree ka din sa akin. Pero madami naman sa inyo na hindi ako kilala, kaya maniwala ka na lang.

-0-

Pero baket nakakahumaling pa din ang bata? Masaya kasi kasama ang bata, parang feeling mo bata ka na din.

High School.

Naalala mo ba ang ligawan nung high school? Nung hindi pa ganon kalala ang cellphone, texting, at Friendster, Multiply, G4M, at kung ano-ano pang internet social networking sites. May chatting na non. Pero Java Script or MiRC nga lang.

"ASL?"

"16yo M Manila"

"ic"

"U?"

"26 M Bulacan"

"Layo... lol!"

At makalipas ang ilang pagpapalitan pa ng mensahe...

"So, EB?"

"Sure, san tayo magkikita? Ano suot mo?"

"Sa McDo Quezon Ave. Magsusuot ako ng blue cap, white shirt and jeans."

"Ok. Sige, kita tayo ng 1pm."

Naalala nyo ang mga ganitong usapan? Mahirap makipag-EB noon kasi wala namang picture. O kung meron man, kailangan mo pang pumunta ng computer shop para lang magpa-scan. Hassle, dami keme. Kaya kadalasan papakinggan mo na lang ang nararamdaman mo at magdadasal ka na ang kikitain mo ay hindi mukhang bakulaw.

Kadalasan din, dadating ka sa lugar na inyong pinagusapan at magugulat ka na lang na may apat na naka blue cap, white shirt at jeans. Ang saya-saya. Pero dahil hindi ka sigurado king sino sa kanila ang dapat mong lapitan, magpapakyut ka nlang at magaantay na ikaw ang lapitan nila.

Anak ng, oo nga pala, nakalimutan mong ikaw lang ang nagtanong ng suot nya. Hindi mo nasabi kung anong suot mo. Patay na! Paano na 'to? At dahil hindi pa uso ang cellphone... Teka, uso na pala, wala ka lang non. Putcha.

Makalipas ang apat na oras, umalis na din ang tatlong naka blue cap, white shirt and jeans. Isa na lang ang natira. So by the process of elimination, mukhang bibinggo ko na. Pero malas, sa tinagal-tagal ng pagaantay mo...

"Excuse me. Are you John Michael?"

"Huh? Sorry, James Martin ang pangalan ko."

'Nak ng tipaklong, lapit na eh, parehong JM.

Maraming posibiledad kung bakit hindi ka nagtagumpay. Una, sha nga si John Michael pero dahil hindi ka nya type, nagpanggap na ibang tao na lang sha. Ikalawa, hindi talaga siya yun at nagkamali ka talaga. Ikatlo, malas ka lang talaga.

Teka, anong araw na nga ba ngayon?

Sabado.

Bukas pa pala EB ko.

Linggo.

Memory gap.

-0-

Ang saya-saya main-love nung high school ka. Madaming kakilig-kilig na pangyayari. Makatanggap ka lang ng page (Pocketbell, EasyCall o kung hip ka, Jazz Page) mula sa crush mo, para kang maiihi sa tuwa. Madalas, maguusap kayo sa phone (landline). Telebabad. Kadalasan patago mo pa gagawin kasi bawal ka mahuli ng nanay mo at sigaradong patay ka. May pasok kasi kinabukasan at bawal magpuyat.

Ano nga ba pinaguusapan nyo non? Ito yung mga sinasabi nilang sweet nothings. Sa madaling sabi, mga walang kwentang bagay na pinaguusapan pero dahil crush mo yung tao, kinikilig ka pa din. Tulad ng anong episode ang naganap sa Bioman/Daimos or kung ano mang cartoons at kahit teleserye noon (Gulong ng Palad, Cebu, Dakak, Isabel Sugo ng Birhen, Ana Lisa at sa mga bago-bago, Marimar o Mara Clara) ang palabas nung panahon na yun.

Nakahiga ka sa kama. Paikot-ikot, patumbling tumbling sa kumot habang hawak pa din ang telepono. Ngiti na hanggang makabilang tenga. Ngiting aso.

At bigla mo na lang makikita ang relo mo, alas tres na.

"O, cge goodnight na."

"Ok. Sige, tulog na tayo ha."

"Goodnight!"

"Sige, ibaba mo na ang telepono."

"Ikaw muna. Ikaw tumawag eh."

"Ikaw na."

"O, sige, sabay tayo ha"

"Ok. Ok."

"One... two... three..."

Biglang tahimik.

"Oh, bat di mo binaba?"

"Eh, bat di mo din binaba?"

"Eh sabi mo sabay eh"

Hala, sa mga pagkakataon na ito kasalukuyang mamatay-matay ka na sa kilig.

Hay.. mga bata nga naman! Ang saya-saya!

Gusto kong bumalik ng High School. Masarap nga main-love sa bata. Walang violation. Walang basagan ng trip. Masarap talaga bata di lang dahil sa kilig, pero dahil din sa madaming ibang bagay. Fresh meat, ika nga.

Alam mo na yun.

0 comments:

Powered By Blogger